Kanina sa birthday ng tita ko ang set-up eh sa bahay lang, di mawawala ang "pansit" sagisag ng pampahaba ng buhay, iba't ibang putahe gaya ng pork steak, menudo, afritada at caldereta syempre di mawawala sa handaan ang all time favorite ng lahat ang "fried chicken". Maliban sa mga putaheng ito ay may mga desserts naman na ihinain syempre ang walang kasawaang ice cream at dahil paborito ng tita ko ang frozen mango cake (graham mango cake) ay gumawa sila nito. At syempre di naman mawawala ang pinaka importanteng pagkain kapag may birthday syempre meron ding cake.
First birthday ng isang bata di mawawala ang mga decorations gaya ng lobo, party hats, tarpaulin at kung anu-ano pa. Marami ang dumadalong bisita, iba't ibang tao gaya ng mga ninong at ninang, mga kaibigan ng mga magulang, kaibigan ng mga kamag anakan at mga kapit bahay. Naalala ko nakita ko ang mga pictures ko noong first birthday ko, madaming tao at madami ding handa yung ibang tao nga hindi ko talaga kilala e.
Karaniwan sa mga birthday ng mga bata 1-12 years old ay nagcecelebrate ng birthday sa mga kilalang fast foods. Lalo na ang mga bata ay mahihilig talaga sa mga pagkain sa fast food. Mga pinsan kong mga bata nagcelebrate sila ng birthday sa Jollibee,Mcdonalds,KFC,Max's pero ako ni minsan hindi ko pa naranasang magbirthday sa ganyan pang rich kid lang yan eh haha. Naalala ko din na ang isa kong pinsan ay nagcelebrate ng birthday sa Kid's @work, sosyal kasi mga magulang nya eh yung kapatid naman nya ay sa isang clubhouse. Di rin mawawala sa birthday ng mga bata ang mga magician at clown na may mga games at prizes na kasama. Sa panahon ngayon, nauuso na din ang mga photobooths na nirerentahan.
Madalas namang handa sa isang kiddie party ay spaghetti,burger,hotdog on stick,chicken,lumpiang shanghai at cake
Mga karaniwang laro na ginagawa sa isang birthday celebration ay ....
- Palayok - ang palayok ay may lamang iba't ibang klase ng kendi at barya, hinahaluan din ito ng harina o ng confetti. (para din itong "piñata ") Pagkatapos maset-up ang palayok ay ibibitin ito at ang mga batang kalahok at papaluin ang palayok ng naka blind fold.
- Longest Greeting - yung pahabaan ng pagsabi ng happy birthday sa celebrant.
- Pabitin - sari saring laruan at junkfoods na nakasabit at agawan ang mga batang makakuha dito.
- Pin the tail of the horse - kung saan ang naglalaro ay naka blind fold at ilalagay nya ang buntot ng horse sa tamang pwesto.
- Bring me - kung saan ang host ay nagsasabi ng mga bagay na dapat dalhin sakanya, ang unang makapagdala ng bagay na sinabi nya ay makakatanggap ng prize.
Kapag naman matatapos na ang birthday ng isang batang celebrant ay may binibigay silang mga "loot bags" sa mga bisita karaniwan naglalaman ito ng mga kendi,laruan or school supplies gaya ng pencil,ruler,eraser at pencil sharpener.
Dumayo naman tayo sa isang klase ng birthday, ito ang "debut" kung saan sinecelebrate ito kapag 18th birthday na ng isang babae at 21st birthday ng lalaki, pero mas ginagawa ito sa mga babae madalang lang sa lalaki. Karaniwan pag ganto ang occassion may mga nakagawiang tradisyon na. Ito ang mga sumusunod.
. 18 Roses - kung saan isasayaw ang debutante ng 18 na lalaki individually, unang magsasayaw sakanya ay ang kanyang daddy at ang huli ang kanyang escort.
. 18 Gifts - kung saan may 18 na regalong ibibigay sa debutante at bibigay ng kahulugan kung bakit ito ang niregalo nila sa kanya.
. 18 Candles - kung saan ang may 18 na candles na hawak ng mga taong malapit sa puso ng debutante at bibgyan nila ng isang wish ang debutante bago iblow ng debutante ang candle individually.
Maraming klase ng pagcecelebrate ng birthday ang ginagawa sa pinas, isang example na dito ang pagbi-videoke. Alam naman nating lahat na ang mga Pilipino ay mahilig kumanta kaya't todo birit sila kapag may celebration gaya ng birthday, normally ang pagbi-videoke ay gusto ng mga nasa edad na 13 pataas. Kung may videoke syempre hindi mawawala ang inuman, mapa hard man o hindi sabak lahat ang mga pinoy sa inuman, lalo na ngayon sa mga kabataan uso na ang pag inom ng mga cocktail drinks, hard at beer.
Iba iba man tayo ng pagcecelebrate ng birthday, hinding hindi naman masaya ang ating celebration pag wala ang ating pamilya at mga kaibigan. Iyan ang typical filipino birthday celebration, maingay, magulo pero masaya.
No comments:
Post a Comment