Monday, May 21, 2012

Fresh Mornings

Hello guys! Good morning :]



Do you feel something weird every time you wake up in the morning? Yung parang pagod na pagod ka or antok na antok? Yung kahit na ang tagal mong natulog pero wala pa ding kwenta kasi antok na antok ka pa?

Well, palagi akong ganyan, actually pinilit ko lang gumising ng maaga para masanay ako pero sa totoo lang antok na antok pa din ako. Pero minsan naman gumigising ako ng parang hindi naman ako natulog kasi fresh na fresh pa ko. Ang sarap bumangon kapag ganun, walang iniisip, hindi na inaantok or yung tipong relax na relax ka talaga habang natulog ka nung gabi.

Actually pag masaya ako before matulog malamang masarap ang gising ko, for example nakausap ko crush o lovelife ko malamang maganda gising ko, pag may magandang mangyayari kinabukasan sure na maganda at excited akong gumising. Reason kung bat ako gumigising ng maaga noon ay para makachat yung si walang matang singkit na mahal ko, pero wala na sya ngayon e.... isa din yun sa reason kung bakit maganda ang gising ko pag umaga.

Nagresearch ako ng mga tips para sa magandang pag gising sa umaga ....

Ang pag inom ng gatas bago matulog ay isa sa mabisang paraan na gumanda ang gising natin. Drinking 8 glasses of water or more than that is healthier, para sa magandang circulation daw sa katawan. Pag tulog ng maaga para magkaron ng sapat na pag tulog, mabuti daw na matulog between 8-10pm. Ang pagtulog ng bukas ang bintana ay maganda rin sa katawan para magcirculate ang air sa loob ng kwarto at malanghap natin ang sariwang hangin. Don't over think, kung may iniisip na problema ay wag muna itong isipin dahil walang maidudulot ang stress. Don't exercise 2 hours before sleep, mag relax muna bago matulog. Dapat hindi nanunuod ng tv sa bedroom, ang bedroom ay ginawa para matulog kasi pag may distractions daw mahirap ng makatulog. Bago matulog wag kakain o magpakabusog, mahirap na baka bangungutin.

At ayan ang ibang mga tips para sa magandang pag gising :] maliban dyan isipin din natin kung para ba kanino tayo bumabangon. Para sa akin, bumabangon ako para sa aking kinabukasan noon sa ibang tao ako bumabase pero naisip ko, sila kaya ganun din sa akin? Pero ayos lang yon mas masarap naman kasi talagang bangon para sa mahal sa buhay. Noon bumabangon ako para sa pinakamamahal kong tao pero simula ng mawala na sya hindi ko na alam kung kaya ko pang gumising. Pero habang tumatagal ang panahon narerealize ko din na masarap mabuhay at magpakasaya. Tanggalin ang negative bring the postive outcomes of life dahil para sayo naman iyan :]

Happy Morning everyone!

No comments:

Post a Comment